Comfort to those who mourn

 

Pampatibay-loob:

Nakagiginhawang mga Salita

 

Narito ang mga isinulat ng ilan para maglaan ng kaaliwan sa mga namatayan:

 

“Hindi namin alam kung ano ang sasabihin, pero mahal ka namin. Hindi namin alam ang talagang nararamdaman mo, pero alam iyon ni Jehova at patuloy ka niyang aalalayan. Sana kahit paano makatulong ang mga panalangin namin.”

 

“Palakasin ka nawa ni Jehova sa panahon ng iyong pagdadalamhati.”

 

“Tandaan mo na ang iyong minamahal ay nasa alaala ng Diyos, na nakakaalam ng bawat detalye tungkol sa kaniya at muling bubuhay sa kaniya.“

 

"Hinding-hindi na haharapin uli ng minamahal mo ang huling kaaway, ang kamatayan. Samantala, ang kaniyang rekord ng pananampalataya ay mananatili hanggang sa buhayin siyang muli sa Paraiso.”

 

“Kulang ang salita para ipaliwanag ang kirot ng pagkamatay ng minamahal, pero inaasam natin ang panahon na kukulangin tayo ng salita para ipaliwanag ang kagalakan kapag binuhay-muli ng ating makalangit na Ama ang iyong minamahal.”

Comments