Toolbox sa Pagtuturo (Part 5): Brosyur at Aklat

 Mga Tool Para Ituro ang Katotohanan

Brosyur. Paano mo ituturo ang katotohanan sa isang di-gaanong marunong magbasa o kaya’y walang literatura sa wika niya? May tool tayo para sa kanila—ang brosyur na Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman. * Ang isang napakagandang tool para makapagpasimula ng Bible study ay ang brosyur na Magandang Balita Mula sa Diyos! Puwede mong ipakita sa kausap mo ang 14 na paksa sa likod ng brosyur at tanungin siya kung alin ang pinakagusto niya. Pagkatapos, simulan na ang pag-aaral sa araling iyon. Nasubukan mo na ba ang paraang ito sa iyong mga pagdalaw-muli? Ang ikatlong brosyur sa ating toolbox ay Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon? Dinisenyo ito para akayin sa organisasyon ang mga Bible study. Para malaman kung paano ito gagamitin sa bawat pag-aaral ng Bibliya, tingnan ang Marso 2017 ng Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong.
Aklat. Kapag sa brosyur mo napasimulan ang pag-aaral, puwede mo itong ilipat anumang oras sa aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Mapalalawak ng tool na ito ang kaalaman ng Bible study mo tungkol sa mga pangunahing turo ng Bibliya. Kapag natapos na ang aklat at sumusulong na siya sa espirituwal, ituloy ang pag-aaral sa aklat na Manatili sa Pag-ibig ng Diyos. * Ituturo sa kaniya ng tool na ito kung paano ikakapit ang mga simulain sa Bibliya sa pang-araw-araw na buhay. Tandaan, kahit nabautismuhan na ang mga Bible study, kailangang ituloy pa rin nila ang pag-aaral hanggang sa matapos ang dalawang aklat na ito. Tutulong ito sa kanila na magkaroon ng matibay na pundasyon sa katotohanan.—Basahin ang Colosas 2:6, 7.

Comments