Masayang Buhay, Aralin 2, #4
Magandang araw po. Salamat po sa pag-like nyo sa Rjb Legal Writing page. Dalangin ko po na nasa mabuti kayong kalagayan ngayon. Gusto ko sanang mag-share sa inyo ng mabuting balita mula sa Bible.
Kaaliwan sa panahon ng kahirapan:
Mateo 6:31-33 -- ”31 Kaya huwag kayong mag-alala at magsabing ‘Ano ang kakainin namin?’ o, ‘Ano ang iinumin namin?’ o, ‘Ano ang isusuot namin?’ 32 Ang lahat ng ito ang pinagkakaabalahan ng mga bansa. Alam ng inyong Ama sa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. 33 “Kaya patuloy ninyong unahin ang Kaharian at ang katuwiran niya, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng ito.” (see MB Aralin 37 #6)
3 Bagay na dapat nating gawin ayon sa Mateo 6:31-33: 1) Huwag masyadong mag-alala 2) Magtiwala sa Diyos na alam niya ang pangangailangan natin; manalangin at umasa sa tulong Niya 3) Patuloy na unahin ang Kaharian at katuwiran ng Diyos
Kaaliwan sa panahon ng pagkakasakit:
Awit 41:3 “Aalalayan siya ni Jehova sa banig ng karamdaman; Sa panahong may sakit siya, papalitan mo ang buong higaan niya.”
Comments
Post a Comment