Gawa kabanata 7
Sa ulat ng Gawa 7:58-60, ipinakita ng halimbawa ni Esteban kung ano ba ang dapat nating maging saloobin sa mga hindi natin kapananampalataya na maaaring magpakita ng pagkapoot sa atin. Nang pagbabatuhin ng mga lalaking lipos ng poot ang alagad na si Esteban hanggang sa ito’y mamatay, ang huling mga salita niya bago siya mamatay ay: “Jehova, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito.” (Gawa 7:60)Ninais ni Esteban ang pinakamainam kahit sa mga napoot sa kaniya. Walang anumang hinanakit sa kaniyang puso. Sa ating panahon, maaari din nating ipanalangin ang mga nang-uusig sa atin, anupat hinihiling sa Diyos na kung inuusig nila tayo dahil sa kawalang-alam, sana’y idilat ni Jehova ang kanilang mga mata sa katotohanan. (2 Corinto 4:4) Ang ating panalangin ay hindi mawawalan ng kabuluhan. Maraming karanasan na ang dating mang-uusig ay nagiging mananampalataya dahil sa pagiging mapayapa ng mga lingkod ni Jehova.
Comments
Post a Comment