Pinaka-aasam mo ba ang katuparan ng hula hinggil sa pagpapabanal sa pangalan ni Jehova? (Ezekiel 38:23; Mateo 6:9)
*** w08 10/15 p. 15-16 mga par. 16-19 Ang Sagot ni Jehova
sa Isang Taos-Pusong Panalangin ***
Sa iba’t ibang bansa, bigung-bigo ang mga mananalansang
sa kanilang pagsisikap na patahimikin ang mga Saksi ni Jehova. Sa mga lupaing
iyon, ang katatagan at pagbabata ng mga mananamba ng tanging tunay na Diyos ay
nagsilbing patotoo sa tapat-pusong mga tao, at marami ang ‘naghanap sa pangalan
ni Jehova.’ Sa ngayon, sampu-sampung libo, daan-daang libo pa nga, ang
maligayang mga tagapuri ni Jehova sa ilang lupain kung saan walang-awang pinag-usig
noon ang mga Saksi ni Jehova. Kaylaki ngang tagumpay nito para kay Jehova! At
kaylaking kahihiyan naman para sa kaniyang mga kaaway!—Basahin ang Jeremias
1:19.
17 Sabihin pa, alam nating patuloy tayong uusigin, pero
patuloy pa rin tayong mangangaral ng mabuting balita—maging sa mga
mananalansang. (Mat. 24:14, 21) Gayunman, malapit nang matapos ang ibinigay na
pagkakataon para sa gayong mga mananalansang na magsisi at maligtas.
Ang pagpapabanal sa pangalan ni Jehova ay di-hamak na mas mahalaga kaysa sa kaligtasan ng tao. (Ezekiel 38:23.)
***w9/19 Araling Artikulo 36, Armagedon—Isang Magandang
Balita!***
20 Isip-isipin kung gaano ka kasaya kapag nawala na ang
Babilonyang Dakila at kapag tapos na ang Armagedon! Isip-isipin din kung gaano
ka kasaya kapag naipagbangong-puri na ang pangalan at soberanya ng Diyos!
(Ezek. 38:23) Kaya ang Armagedon ay magandang balita para sa mga nakakakilala
sa Diyos, sumusunod sa kaniyang Anak, at nagtitiis hanggang wakas.—Mat. 24:13.
*** w15 6/15 p. 24 mga par. 15-16 Mamuhay Kaayon ng
Modelong Panalangin—Bahagi 1 ***
Mga 6,000 taon na ang nakalilipas, ang kalooban ng Diyos
ay ginagawa sa lupa. Kaya naman sinabi ni Jehova na ang lahat ay “napakabuti.”
(Gen. 1:31) Pagkatapos ay nagrebelde si Satanas, at mula noon, iilang tao na
lang ang gumagawa ng kalooban ng Diyos sa lupa. Pero ngayon, mga walong milyong
Saksi ang naglilingkod kay Jehova. Bukod sa ipinananalangin nila na mangyari
ang kalooban ng Diyos sa lupa, sinisikap din nilang mamuhay kaayon ng
panalanging iyan. Kitang-kita ito sa paraan ng kanilang pamumuhay at sa masigasig
na paggawa ng alagad.
16 Halimbawa, isang sister na nabautismuhan noong 1948 at
naging misyonera sa Africa ang nagsabi: “Kaayon ng bahaging ito ng modelong
panalangin, madalas kong ipinananalangin na ang lahat ng tulad-tupang tao ay
makausap at matulungang makilala si Jehova bago mahuli ang lahat. Bago
magpatotoo, humihingi rin ako ng karunungan para maabot ko ang puso ng tao. At
para sa mga natagpuang tulad-tupa, ipinananalangin ko na pagpalain ni Jehova
ang mga pagsisikap na alagaan sila.” Kaya naman matagumpay sa ministeryo ang
80-anyos na sister na ito. Marami siyang natulungan na maging Saksi ni Jehova.
Tiyak na may naiisip ka ring mga indibiduwal na naging magandang halimbawa
dahil ibinuhos nila ang kanilang sarili sa paggawa ng kalooban ng Diyos sa
kabila ng katandaan.—Basahin ang Filipos 2:17.
Comments
Post a Comment