ek·kle·siʹa: Kongregasyon, Kapulungan


Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang salitang Griego na isinalin bilang “kongregasyon” ay ek·kle·siʹa, na pinagkunan ng salitang Ingles na “ecclesia” at ng salitang Tagalog na “iglesya.” Ang ek·kle·siʹa ay nanggaling sa dalawang salitang Griego, ang ek, nangangahulugang “labas,” at ang ka·leʹo, nangangahulugang “tawagin.” Samakatuwid, tumutukoy ito sa isang grupo ng mga taong tinawag o tinipon, maaaring sa opisyal o sa di-opisyal na paraan. Sa Gawa 7:38, ito ang salitang ginamit upang tukuyin ang kongregasyon ng Israel, at ginamit din ito para sa “kapulungan” na sinulsulan ng panday-pilak na si Demetrio laban kay Pablo at sa mga kasamahan niya sa Efeso. (Gaw 19:23, 24, 29, 32, 41)

Source: it-2 p. 99-100 Kongregasyon

Personal Note:
Ang terminong “kongregasyon ng Diyos” (o Iglesia ng Diyos) sa 2 Corinto 1:1 ay ginagamit ng mga miyembro ng ilang relihiyon sa kanilang pangangatuwiran sa kung alin ang tunay na relihiyon.

Comments