Exodo 14:13, 14
Sinabi ni Moises sa bayan: “Huwag kayong matakot. Tumayo kayong matatag at tingnan ninyo kung paano kayo ililigtas ngayon ni Jehova. Dahil ang mga Ehipsiyo na nakikita ninyo ngayon ay hinding-hindi na ninyo makikitang muli. Si Jehova mismo ang makikipaglaban para sa inyo; tatayo lang kayo.”
Para mas lumakas ang loob natin na harapin ang kasindak-sindak na mga pangyayari sa hinaharap, dapat na ngayon pa lang, maging matatag na tayo sa mga pagsubok na napapaharap sa atin.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
- Manindigan at sumunod sa matataas na pamantayan ni Jehova.—Isa 5:20
- Patuloy na maglingkod kay Jehova kasama ng mga kapananampalataya.—Heb 10:24, 25
- Sumunod agad sa mga tagubilin ng organisasyon.—Heb 13:17
- Pag-isipan kung paano iniligtas ni Jehova ang mga lingkod niya noon.—2Pe 2:9
- Manalangin kay Jehova at magtiwala sa kaniya.—Aw 112:7, 8
TANONG:
Paano nasubok ang pagkamasunurin ng mga kapatid sa
ginawang kaayusan ng mga elder?
Bakit magkaugnay ang lakas ng loob at
pagkamasunurin?
Sagot: Ang pagsunod sa mga tagubilin ng mga nangunguna kahit hindi natin lubusang naiintindihan ang dahilan ng ibinigay na tagubilin ay isang paraan ng pagpapakita ng lakas ng loob ngayon.

Bakit kailangan natin ng lakas ng loob sa panahon
ng Armagedon?
Sagot: Sa panahon ng Armagedon, mapapaharap tayo sa kasindak-sindak na mga pangyayari. Baka tumanggap tayo ng mga tagubilin na parang hindi makatuwiran. Halimbawa, kahit sa magulong panahong iyon, baka atasan tayong maghayag ng matinding mensahe ng paghatol. Kaya kakailanganin natin ng lakas ng loob para sumunod sa mga ibinigay na tagubilin.

Anong ulat sa Bibliya ang makakatulong sa atin
para tumibay ang pagtitiwala natin na kaya tayong iligtas ni Jehova?—2Cr
20:1-24
Sagot: Noong panahon ni Haring Jehosapat, isang malaki at malakas na hukbo (ng Moabita at Ammonita) ang nagtangkang sumalakay sa bayan ng Diyos. Hindi umasa ang ang mga Israelita sa sarili nilang lakas para matalo ang kaaway. Sa halip, umasa sila kay Jehova. Hindi rin sila nagkaniya-kaniya at ginawa ang inaakala nilang tama. (2 Cro 20:13) Bata man o matanda, sama-sama silang sumunod sa tagubilin ni Jehova taglay ang pananampalataya at pinrotektahan sila ni Jehova. Isang magandang halimbawa ito ng pagharap sa mga pagsubok bilang bayan ng Diyos.

Maghanda na ngayon para sa mga pangyayari sa
hinaharap na mangangailangan ng lakas ng loob
Comments
Post a Comment