Tunay na Kristiyano: Paano mo Makikilala?



Paano mo makikilala ang mga tunay na Kristiyano?
Pag-isipan ang limang pagkakakilanlang ito:

1.       Iginagalang ng mga tunay na Kristiyano ang Bibliya bilang Salita ng Diyos.
Sinisikap nilang isabuhay ang mga simulain o prinsipyo nito. Kaya ang tunay na relihiyon ay ibang-iba sa relihiyong batay lang sa kaisipan ng tao. (Mateo 15:7-9) Ginagawa ng mga tunay na Kristiyano kung ano ang itinuturo nila.​—Basahin ang Juan 17:17; 2 Timoteo 3:16, 17.

2.       Kristiyanong nagpapahayag gamit ang Bibliya.
Pagkatapos, nangangaral siya tungkol sa Kaharian ng Diyos, tumutulong sa mga biktima ng sakuna, at tumutulong sa mga may-edad. Pinararangalan ng tunay na mga tagasunod ni Jesus ang pangalan ng Diyos—Jehova. Pinarangalan ni Jesus ang pangalan ng Diyos sa pamamagitan ng paghahayag sa pangalang ito. Tinulungan niya ang mga tao na makilala ang Diyos at tinuruan silang ipanalangin na pabanalin ang pangalan ng Diyos. (Mateo 6:9) Sa lugar ninyo, aling relihiyon ang nagpapakilala sa pangalan ng Diyos?​—Basahin ang Juan 17:26; Roma 10:13, 14.

3.       Ipinangangaral ng mga tunay na Kristiyano ang Kaharian ng Diyos.
 Isinugo ng Diyos si Jesus para ipangaral ang mabuting balita ng Kaharian. Ang Kaharian ng Diyos ang tanging pag-asa ng mga tao. Ipinangaral ito ni Jesus hanggang sa araw na mamatay siya. (Lucas 4:43; 8:1; 23:42, 43) Sinabi niya na ipangangaral ito ng kaniyang mga tagasunod. Kapag may nakipag-usap sa iyo tungkol sa Kaharian ng Diyos, ano sa palagay mo ang relihiyon niya?​—Basahin ang Mateo 24:14.

4.       Ang mga tagasunod ni Jesus ay hindi bahagi ng masamang sanlibutang ito.
Hindi sila nakikisali sa politika o nakikisangkot sa mga kaguluhan sa lipunan. (Juan 17:16; 18:36) Hindi rin nila tinutularan ang masasamang gawain at pag-uugali ng mga tao sa sanlibutang ito.​—Basahin ang Santiago 4:4.

5.       Ang mga tunay na Kristiyano ay nagpapakita ng tunay na pag-ibig sa isa’t isa.
Natutuhan nila sa Salita ng Diyos na igalang ang mga tao anuman ang kanilang lahi. Di-gaya ng mga huwad na relihiyon na laging sumusuporta sa mga digmaan, ang mga tunay na Kristiyano ay tumatangging makisangkot dito. (Mikas 4:1-3) Sa halip, ginagamit nila ang kanilang panahon, pera, at lakas para tulungan at palakasin ang pananampalataya ng iba.​—Basahin ang Juan 13:34, 35; 1 Juan 4:20.



Comments