Palaisip Ka Ba sa Safety?

 

Panoorin ang video na: “Panatag Kang Lalakad sa Iyong mga Daan” https://www.jw.org/tl/library/video/#tl/mediaitems/VODBiblePrinciples/pub-mwbv_201911_4_VIDEO

 

1.       Bakit dapat tayong maging maingat sa mga ginagawa natin?

·         Posibleng makita sa ilang ginagawa natin na kulang ang pagpapahalaga natin sa regalong buhay.

·         Ang pagiging palaisip sa safety ay tanda ng pagiging taong espirituwal. Kaya dapat nating sanayin ang ating sarili na maging maingat sa mga ginagawa natin.

·         Kapag inaalam muna natin ang posibleng mga panganib at pinaplano kung paano magtatrabaho nang ligtas, maiiwasan o mababawasan ang panganib.

·         Hindi tayo dapat tumulad sa sanlibutan na laging nagmamadali para matapos ang gawain. Personal man o pang-Kaharian ang ginagawa natin, priyoridad natin ang safety.

·         Tandaan na ang pagiging palaisip sa safety ay pagpapakita ng pag-ibig kay Jehova at sa mahalagang regalong buhay.

2.       Ano ang mga puwede nating gawin para masabing palaisip tayo sa safety?

·         Huwag maging kampante anupat iniisip na hindi ka pa naaksidente.

·         Maging palaisip sa oras para maiwasan ang pagmamadali.

·         Awit 36:9 – “Nasa iyo ang bukal ng buhay; Sa pamamagitan ng liwanag mo ay nakakakita kami ng liwanag.”

·         Maipapakita nating mahal natin si Jehova, ang bukal ng buhay, kung mag-iingat tayo sa pagmamaneho pati na sa ibang gawain. Halimbawa, iiwasan natin ang mga sports na madalas may nadidisgrasya. Maging maingat din tayo kahit sa mga sports na hindi naman masyadong delikado.

·         Magpokus sa kasalukuyang ginagawa at iwasan ang maraming iniisip. Halimbawa, kapag nasa kalsada, maging alerto sa mga nasa paligid mo, sa halip na mag-isip ng ibang mga bagay.

·         Huminto, mag-isip at magmasid muna sa paligid bago ituloy ang anumang gagawin.

·         Sa bahay man o kahit saan, gawing bahagi ng buhay ang safety.

·         Sa mga proyektong pang-Kaharian, masusunod natin ang prinsipyo sa Kawikaan 22:3, kung aalamin muna ang posibleng mga panganib bago magtrabaho. Pagkatapos ay planuhin kung paano magtatrabaho nang ligtas.

·         Inaalam din ang kakayahan at limitasyon ng mga kapatid para maibigay sa kanila ang tamang atas.

·         Kapag may kasamang bata, siguruhin na nababantayan sila at kasama nila ang magulang nila o ibang responsableng kapatid.

·         Kapag naghahanda para sa mga Kombensiyon, lalo na kapag limitado lang ang oras para sa isang proyekto, hindi dapat ikompromiso ang safety para lang matapos kaagad ang trabaho. Kaya patiunang magplano. Kung hindi nagtatrabaho nang ligtas kahit na wala namang masaktan o maaksidente, hindi pa rin ito magiging mabuting halimbawa sa iba.

·         Kawikaan 3:21, 23 – “Ingatan mo ang karunungan at ang kakayahang mag-isip; At panatag kang lalakad sa iyong mga daan, At hindi ka matatalisod.” Ang prinsipyong ito ay hindi lang kumakapit sa espirituwal na paraan.

·         Masusunod natin ang Kawikaan 3:21, 23—Kung magpaplano at magpopokus tayo sa trabaho at hindi magmamadali. Laging tumingin sa dinadaanan natin. Mag-ingat lalo na sa lugar na maraming tao, sa hagdan, escalator, parking, sa tinutuluyan natin, at sa ibang lugar na puwede tayong matalisod. Puwede rin tayong madisgrasya dahil sa suot nating sapatos.

·         Laging gawin ang mga bagay sa pinakaligtas na paraan kahit na medyo matagal at magastos.

·         Pinapayuhan tayo ng Filipos 2:4 na isipin ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lang ang sa inyo. Kaya naman kapag may nakitang panganib, magsalita agad. Kapag sinasabi natin o tinutulungan natin ang iba na makita ang panganib, naiiwasan natin ang aksidente.

Comments