Si Jehova ay Diyos ng Pag-ibig Pero Pinarurusahan Niya ang Di-nagsisising Nagkasala

Napahalagahan ko ang sinabi ni Jehova kay Ezekiel: “Hindi ako natutuwa kapag namatay ang masama. Mas gusto kong magbago siya at patuloy na mabuhay.” (Ezek. 33:11) Natutuhan ko rito na dapat din akong mapakilos ng pag-ibig sa mga tao na mangaral sa lahat ng uri ng mga tao anupat hindi nag-iisip na hindi karapat-dapat ang isang tao sa mensahe natin dahil sa nagawa niya noon, o dahil sa kaniyang kultura, lahi, wika o kalagayan sa buhay.

 

Si Jehova ay pangunahin nang isang Diyos ng pag-ibig, hindi ng paghihiganti. Pero paparusahan Niya ang di-nagsisising mga nagkasala. Kaya hindi tayo dapat ‘magtiwala sa sarili nating katuwiran’ at isipin na hindi tayo paparusahan sa ginagawa nating masama dahil gumagawa  rin tayo ng mabuti. (Ezek. 33:13) Gaano man tayo katagal na naglilingkod kay Jehova, kailangan pa rin nating maging mapagpakumbaba at masunurin.

 


Comments