Comment on 1 Samuel 23:1-5
Ini-ulat ng 1 Samuel 23:1-5 na dalawang ulit na sumangguni si David kay Jehova bago sila makipaglaban sa mga Filisteo na nasa Keila. Makikita natin na hindi nagtiwala sa sarili si David dahil sa mga nakaraang tagumpay niya. Hindi siya nangatuwiran na pagpapalain naman siya ni Jehova anuman ang kaniyang gawin mula noon. Sa halip, paulit-ulit na sumangguni si David kay Jehova nang mapaharap siya sa mga pagpapasiya. Kay-inam na halimbawa upang sundan natin, kapag tayo ay napapaharap din sa mga pagpapasiya gaya ng pagpili ng sekular na trabaho o may kaugnayan sa pagganap ng isang atas o pribilehiyo sa kongregasyon. Hindi rin tayo basta nagtitiwala sa ating ‘stock knowledge’ sa halip, lagi nawa nating hanapin kung ‘nasaan si Jehova’, wika nga, sa pamamagitan ng pag-sangguni sa mga bagong reperensiya o mga tagubilin mula sa tapat at matalinong alipin.
*** w03 5/1 p. 8-9 par. 4 Itinatanong Mo ba Kung “Nasaan si Jehova?” ***
hindi nagtiwala sa sarili si David dahil sa tagumpay niya. Hindi siya nangatuwiran na pagpapalain naman siya ni Jehova anuman ang kaniyang gawin mula noon. Sa mga taóng lumipas pagkatapos nito, paulit-ulit na sumangguni si David kay Jehova nang mapaharap siya sa mga pagpapasiya. (1 Samuel 23:2; 30:8; 2 Samuel 2:1; 5:19) Patuloy siyang nanalangin: “Ipaalam mo sa akin ang iyong mga daan, O Jehova; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Palakarin mo ako sa iyong katotohanan at turuan mo ako, sapagkat ikaw ang aking Diyos ng kaligtasan. Sa iyo ako umaasa buong araw.” (Awit 25:4, 5) Kay-inam na halimbawa upang sundin natin!
Comments
Post a Comment