‘Nagpapasaya Ba sa Puso’ ang Payo Mo?

 

Link: https://www.jw.org/tl/library/magasin/bantayan-pag-aaral-pebrero-2022/Nagpapasaya-Ba-sa-Puso-ang-Payo-Mo/

 

Notes on Watchtower Study (4/24/2022):

ARALING ARTIKULO 8 (w02/22)

‘Nagpapasaya Ba sa Puso’ ang Payo Mo?

 

Comment on par. 19: Para maging epektibo at “nagpapasaya sa puso” ang payo natin, dapat nating ikapit ang 4 na prinsipyo mula sa Bibliya: (1) Tiyaking magpayo nang may tamang motibo. Kaya, dapat pag-isipang mabuti ng isa ang 1 Corinto 13:4, 7 para makita kung pag-ibig ang motibo niya sa pagpapayo; (2) (Kaw 29:20 - ‘hindi dapat maging padalos-dalos sa pagpapayo’) Tiyakin na kailangan talagang magpayo. At kung malinaw na kailangan talagang magpayo, tiyakin din na tayo ang karapat-dapat na magpayo; (3) (Santiago 1:19; Kaw 18:13 - ‘maging handang makinig’) Bago magpayo, magtanong at makinig mabuti para maintindihan ang pinagdaraanan ng pinapayuhan natin. Sikaping ilagay ang sarili natin sa kalagayan niya; (4) (Kaw 27:23 - ‘kilalanin ang kawan’) Dapat nating sikapin na kaibiganin ang mga kapatid. Kapag ginawa natin ito, mas madali para sa kapatid na tanggapin ang payo natin.

 

ANO ANG SAGOT MO?

(1)    Ano ang tamang motibo kapag nagpapayo?

Sagot: Pag-ibig ang tamang motibo kapag nagpapayo. Makakatulong sa tagapayo na pag-isipan ang 1 Cor 13:4, 7 para makita na pag-ibig ang nag-uudyok sa kaniya na magpayo. Kapag nararamdaman ng pinapayuhan ang pag-ibig at pagmamalasakit ng tagapayo, mas malamang na tanggapin niya ang payo.​

(2)    Sino ang dapat na magpayo?

Sagot: Bilang mga pastol, may pananagutan ang mga elder na magpayo kung kinakailangan. Pero kung minsan, baka kailangan din ng ibang kapatid na magpayo mula sa Bibliya sa isang kaibigan. (Awit 141:5;  Kaw. 25:12) O baka isang nakatatandang sister ang kailangang ‘magpayo sa mga nakababatang babae’ tungkol sa mga bagay na binanggit sa Tito 2:3-5. At ang mga magulang ay madalas na kailangang magpayo sa mga anak nila.

(3)    Paano magiging epektibo ang payo mo?

Sagot: (1) Dapat na laging mula sa Salita ng Diyos ang payo natin; (2) (Santiago 1:19; Kaw 18:13 - ‘maging handang makinig’) Bago magpayo, magtanong at makinig mabuti para maintindihan ang pinagdaraanan ng pinapayuhan natin. Sikaping ilagay ang sarili natin sa kalagayan niya; (3) (Kaw 27:23 - ‘kilalanin ang kawan’) Dapat nating sikapin na kaibiganin ang mga kapatid. Kapag ginawa natin ito, mas madali para sa kapatid na tanggapin ang payo natin; at (4) Dapat din tayong maging matiisin at mabait, lalo na kapag sa umpisa ay hindi pinapakinggan ng pinapayuhan ang sinasabi ng Bibliya. Hindi tayo dapat mainis.

 

Comments