Mga Tool Para Makapagpasimula ng Pag-uusap
Tract. Mayroon tayong walong tract na madaling gamitin at napakaepektibo para makapagpasimula ng pag-uusap. Mula nang ilabas ang mga tract na ito noong 2013, mga limang bilyong kopya na ang nailimbag! Ang maganda sa mga tool na ito, matutuhan mo lang gamitin ang isa, alam mo na kung paano gagamitin ang lahat dahil iisa lang ang format nito. Paano mo gagamitin ang tract para makapagpasimula ng pag-uusap?
Baka gusto mong gamitin ang tract na Ano ang Kaharian ng Diyos? Ipakita sa kausap ang tanong sa harap at tanungin siya: “Ano sa palagay mo ang Kaharian ng Diyos? Ito ba ay . . . ?” Pagkatapos, papiliin siya sa tatlong sagot. Sa halip na sabihin kung tama o mali ang pinili niya, buksan ang tract sa “Ang Sabi ng Bibliya,” at ipakita ang mga tekstong naroon, ang Daniel 2:44 at Isaias 9:6. Kung posible, ituloy ang pag-uusap. Panghuli, ipakita ang tanong sa likod ng tract sa ilalim ng “Pag-isipan Ito”: “Ano ang magiging buhay sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos?” Iyan ang magiging pundasyon ng susunod ninyong pag-uusap. Sa susunod mong pagdalaw, puwede ninyong talakayin ang aralin 7 ng brosyur na Magandang Balita Mula sa Diyos!, na isa sa mga tool natin para makapagsimula ng pag-aaral sa Bibliya.
Comments
Post a Comment