Mga Tool na Pumupukaw ng Interes
Magasin. Ang Bantayan at Gumising! ang mga babasahíng may pinakamaraming limbag at salin sa buong mundo! Dahil pang-internasyonal ang mga ito, ang mga paksa sa pabalat ay dinisenyo para matawag ang pansin ng mga tao. Gagamitin natin ang mga tool na ito para pukawin ang interes ng isang tao tungkol sa kung ano nga ba ang mahalaga sa buhay ngayon. Pero para maibigay ang mga magasing ito sa mga dapat pagbigyan nito, kailangang alam natin kung para kanino dinisenyo ang bawat magasin.
Ang Gumising! ay dinisenyo para sa mga mambabasa na walang gaanong alam sa Bibliya o wala talagang alam dito. Baka wala silang alam sa mga turong Kristiyano, walang tiwala sa relihiyon, o hindi nila alam na makatutulong pala sa kanila ang Bibliya. Pangunahing layunin ng Gumising! na kumbinsihin ang mambabasa na talagang may Diyos. (Roma 1:20; Heb. 11:6) Tinutulungan din nito ang mambabasa na magtiwalang ang Bibliya “sa totoo, [ay] salita ng Diyos.” (1 Tes. 2:13) Ang tatlong paksa sa pabalat para sa 2018 ay: “Ang Daan ng Kaligayahan,” “12 Sekreto ng Matagumpay na Pamilya,” at “Tulong Para sa mga Nagdadalamhati.”
Ang Bantayan, pampublikong edisyon, ay nakapokus sa espirituwal na mga bagay para sa mga may paggalang sa Diyos at sa kaniyang Salita. Kahit may alam sila sa Bibliya, wala silang tumpak na kaalaman sa mga turo nito. (Roma 10:2; 1 Tim. 2:3, 4) Ang tatlong paksa sa pabalat para sa 2018 ay sumasagot sa mga tanong na: “Mahalaga Pa Ba sa Ngayon ang Bibliya?,” “Ano ang Mangyayari sa Hinaharap?,” at “Mahalaga Ka Ba sa Diyos?”
Comments
Post a Comment