Toolbox sa Pagtuturo (Part 4): Mga Video

 Mga Tool na Nagpapakilos

Noong panahon ni Jesus, pangmano-mano ang mga kagamitan ng karpintero. Pero sa ngayon, ang mga karpintero ay mayroon nang mga power tool—chain saw, drill, sander, nailer, at iba pa. Bukod sa nakalimbag na mga publikasyon, may magagandang video na tayo ngayon na puwedeng ipapanood sa mga tao—apat ang nasa toolbox natin: Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?, Paano Ginagawa ang Pag-aaral sa Bibliya?, Ano’ng Mayroon sa Kingdom Hall?, at Mga Saksi ni Jehova—Sino Kami? Ang mga video na wala pang dalawang minuto ang haba ay mabisa sa unang pag-uusap. Ang mahahabang video naman ay puwedeng gamitin sa mga pagdalaw-muli at sa mga taong mas may panahong manood. Ang magagandang tool na ito ay magpapakilos sa mga tao na mag-aral ng Bibliya at dumalo sa ating mga pulong.

Comments