Masayang Buhay Magpakailanman: Seksiyon 1-Review

 

  1. Anong pangako sa Bibliya tungkol sa hinaharap ang pinakagusto mo?

    (Tingnan ang Aralin 02.)

  2. Pangako: Mabubuhay magpakailanman sa isang maayos at magandang kalagayan.​—Awit 37:29; Apoc 21:4.

    Rjb note: Mahalaga na malinaw sa atin ang pangako bago tayo maglagak ng tiwala sa isa na nangangako.

  3. Bakit ka naniniwala na Salita ng Diyos ang Bibliya?

    (Tingnan ang Aralin 03 at 05.)

  4. Ebidensiya 1: Tumpak ang mga salita ng katotohanan na makikita rito. (Eclesiastes 12:10) Totoong mga pangyayari ang mababasa mo rito. Pinatunayan ng maraming istoryador at arkeologo na tama ang mga petsa, tao, lugar, at pangyayari na binanggit sa Bibliya.

    Ebidensiya 2: Mga hulang natupad na. Halimbawa, ang pagbagsak ng Babilonya at ang mangyayari sa mga huling araw. Isaias 44:27-45:2; 2 Tim 3:1-5.

    Ebidensiya 3: Kung paano ito ginabayan, pinrotektahan at ang ginawa ng Diyos para mabasa ito ng lahat ng mga tao. 2 Tim 3:16; Isa 40:8

    Rjb note: Bago tayo maglagak ng tiwala sa isa na nangangako, mahalaga din na suriin natin ang kaniyang mga "credentials".

  5. Bakit mahalagang gamitin ang pangalan ni Jehova?

    (Tingnan ang Aralin 04.)

  6. Tutulong ito para maging malapit tayo sa Diyos. Gusto ni Jehova na maging kaibigan niya tayo. Sant 4:8

    Rjb note: Hindi naman mali na tawagin natin ang tatay natin sa personal na pangalan niya kung gagawin ito sa magalang at maibiging paraan. Sa ibang bansa (i.e. USA) nasanay sila na tawagin ang magulang nila sa personal na pangalan.

  7. Sinasabi ng Bibliya na ang Diyos ang “bukal ng buhay.” (Awit 36:9) Naniniwala ka ba riyan?

    (Tingnan ang Aralin 06.)

  8. Basehan: Genesis 1:1

    Rjb note: Napapapurihan natin ang Diyos, ang "bukal ng buhay", kung pinahahalagahan natin ang kaniyang mga nilalang. Habang binubulay-bulay natin ang kaniyang kamangha-manghang mga gawa, mas lalo siyang napapamahal sa atin. Kawalang utang-na-loob kung hindi natin kikilalanin ang pinagmulan ng regalong buhay.

  9. Basahin ang Kawikaan 3:32.

    • Bakit si Jehova ang pinakamabuting Kaibigan?

    • Ano ang gusto ni Jehova na gawin ng mga kaibigan niya? Sa tingin mo, kaya ba nating gawin iyon?

      (Tingnan ang Aralin 07 at 08.)

  10. (a) Dahil sa kaniyang mga katangian

    (b) Gusto ni Jehova na gumawa ng pagbabago ang mga kaibigan niya. Kaya mo bang gawin iyon?

  11. Basahin ang Awit 62:8.

    • Anong mga bagay ang naipanalangin mo na kay Jehova? Ano pa ang puwede mong ipanalangin sa kaniya?

    • Paano sinasagot ni Jehova ang mga ­panalangin?

      (Tingnan ang Aralin 09.)

  12. Awit 62:8 - “ibuhos [sa Diyos] ang laman ng puso” natin. Ano ba ang dapat na laman ng puso natin?

  13. Basahin ang Hebreo 10:​24, 25.

    • Paano makakatulong sa iyo ang mga ­pulong ng mga Saksi ni Jehova?

    • Sa tingin mo, sulit ba ang mga pagsisikap mo na dumalo sa mga pulong?

      (Tingnan ang Aralin 10.)

  14. Tutulong sa iyo ang pagdalo sa mga pulong na matuto pa tungkol kay Jehova, mapalalim ang pakikipagkaibigan mo sa kaniya, at masamba mo siya kasama ng iba.

  15. Bakit mahalagang regular na basahin ang Bibliya? Ano ang iskedyul mo ng pagbabasa ng Bibliya?

    (Tingnan ang Aralin 11.)

  16. Maligaya at matagumpay ang taong regular na nagbabasa ng Bibliya, o ng “kautusan ni Jehova.” (Basahin ang Awit 1:​1-3.) Subukan itong basahin nang kahit ilang minuto araw-araw. Habang mas nagiging pamilyar ka sa Salita ng Diyos, mas mag-e-enjoy ka sa pagbabasa nito.

  17. Ano ang pinakanagustuhan mo sa pag-aaral mo ng Bibliya?

  18. Mula nang mag-aral ka ng Bibliya, mayroon ka bang naging problema? Ano ang nakatulong sa iyo na patuloy na mag-aral?

    (Tingnan ang Aralin 12.)

  19. Gusto kang tulungan ni Jehova na matuto tungkol sa kaniya. Bibigyan ka niya ng “pagnanais at lakas para kumilos.” (Basahin ang Filipos 2:13.) Kaya kung kailangan mo ng dagdag na dahilan para mag-aral o para maisabuhay ang mga natututuhan mo, matutulungan ka niya. At kung may mga problema ka o kumokontra sa pag-aaral mo, bibigyan ka niya ng lakas para maharap iyon. Laging humingi ng tulong kay Jehova sa panalangin para maipagpatuloy mo ang pag-aaral mo ng Bibliya.​

    Kung may magtanong: “Bakit ka nag-aaral ng Bibliya?” Ano ang isasagot mo?

    Ang mga katotohanan sa Bibliya ay parang kayamanan. Kapag alam natin ang kahalagahan ng mga katotohanan sa Bibliya, magsisikap tayo na patuloy na pag-aralan ito kahit may mga problema.​—Basahin ang Kawikaan 23:23; Kawikaan 2:​4, 5.

    Napakahalaga ng Bibliya kasi sinasabi nito ang iniisip at nararamdaman ng Diyos para sa iyo. Hindi lang kaalaman ang ibinibigay nito sa iyo, binibigyan ka rin nito ng karunungan at pag-asa. At ang pinakamahalaga, tinutulungan ka ng Bibliya na maging kaibigan ni Jehova. Kapag pinag-aaralan mo ang Bibliya, hinahayaan mo itong magkaroon ng magandang epekto sa buhay mo.(Basahin ang Heb 4:12)



Comments