Bible Pedia


Bible Pedia 

(last update: 01/22/2019)
Contents:






Reference: ‘Itinuturo’ – Apendise p. 215
(1 Cronica 29:23) At si Solomon ay nagsimulang umupo sa trono ni Jehova bilang hari na kahalili ni David na kaniyang ama at nagtagumpay, at ang lahat ng mga Israelita ay masunurin sa kaniya.
Noong panahon ng Bibliya, may mga haring naupo sa “trono ni Jehova” bilang mga kinatawan ng Diyos sa kaniyang pamamahala sa mga tao.
Naputol ang linya ng mga hari na nagmula kay David noong 607 B.C.E. nang lupigin ng mga Babilonyo ang Jerusalem – ang sentro ng pamamahala sa pamamagitan ng mga kinatawan ng Diyos. (2Hari 25:1-26; ihambing sa Lucas 21:24)
(Ezekiel 21:26, 27) ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Hubarin mo ang turbante, at alisin mo ang korona. Hindi na ito magiging gaya ng dati. Itaas mo ang mababa, at ibaba mo ang mataas. 27 Kagibaan, kagibaan, kagibaan ang gagawin ko roon. Kung tungkol din dito, hindi nga iyon aariin ninuman hanggang sa dumating siya na may legal na karapatan, at ibibigay ko iyon sa kaniya.’
Gaano katagal ang ‘pagyurak’ sa Jerusalem? Ang sagot ay makikita sa makahulang panaginip ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya na nakaulat sa Daniel 4:10-16. Ang pagputol sa makasagisag na punungkahoy ay lumalarawan sa pagputol sa pamamahala ng Diyos. Ipinahayag sa pangitain na ang ‘pagyurak sa Jerusalem’ ay magiging pansamantala lamang—isang yugto ng “pitong panahon.” Gaano kahaba ang yugtong iyan? Sasaklaw ito ng 2,520 na taon. (Tingnan ang Apoc 12:6, 14; Bilang 14:34 at Ezek 4:6)
Nagsimula ang 2,520 taon noong Oct. 607 BCE at nagwakas noong Oct 1914. Nang panahong iyon, nagwakas ang “takdang panahon ng mga bansa” at iniluklok si Jesus-Kristo bilang makalangit na Hari. Awit 2:1-6; Daniel 7:13, 14.

Nagbigay din si Jesus ng mga palatandaan o ebidensiya na makikita sa kaniyang “pagkanaririto” bilang makalangit na hari—ang kapansin-pansing mga pangyayari sa daigdig gaya ng digmaan, taggutom, lindol, at salot. (Mat 24:3-8; Luc 21:11; 2Tim 3:1-5)

Be modest: Prov. 11:2; a modest person shows wisdom, making the best of a situation. Illustration: Kapag nagmamaneho nang paahon, magpapalit ka ng kambiyo para hindi mahirapan ang makina. Oo, kailangan na maghinay-hinay kapag nagkakaedad ang isa. (w15 6/1 Maganda kahit sa Pagtanda)
Be positive: Prov 15:15; make an effort not to be overcome by negative feelings; read & learn new things.
Be thankful: Col 3:15; Ecl 9:4
Be balanced: 1Tim 2:9; Mahalaga na iwasang labis na mabahala sa iyong personal na hitsura anupat nawawalan ka na ng “katinuan ng pag-iisip.”
Be generous: Luc 6:38
Be friendly: Prov 18:1
Build the faith of others (2Cor 1:3, 4)


Happiness
It is not a destination nor a goal, it is a journey.
It is the result of following a good path in life—(living in harmony with Bible principles) Ps 119:1.
Principles: contentment & generosity, good health, love, forgiveness, purpose of life, hope.

Happiness (kaligayahan) is a state of mind while satisfaction (kasiyahan) is the absence of want. 2. Happiness is an emotion while satisfaction is not. ... Although both happiness and satisfaction can go together, one can be happy even if his wants are not met while he can be satisfied without necessarily being happy.

Happiness vs Satisfaction - Difference Between


Ang helmet ng kaligtasan ay ang pag-asang ibinibigay ni Jehova—ang pag-asa na ililigtas niya tayo mula sa kamatayan at na gagantimpalaan niya ang lahat ng gumagawa ng kalooban niya. (1 Tes. 5:8; 1 Tim. 4:10; Tito 1:1, 2) Napoprotektahan ng literal na helmet ang ulo ng isang sundalo; napoprotektahan din ng pag-asa nating maligtas ang ating kakayahang mag-isip. Paano? Nakakatulong ang pag-asang iyon na makapagpokus tayo sa mga pangako ng Diyos at magkaroon ng tamang pananaw sa mga problema. Paano natin isinusuot ang helmet na ito? Nagagawa natin ito kapag tinutularan natin ang kaisipan ng Diyos. Halimbawa, hindi tayo umaasa sa kayamanan na walang katiyakan, kundi sa Diyos.—Awit 26:2; 104:34; 1 Tim. 6:17. (w21 Marso p. 29 par. 10 Poprotektahan Ka ni Jehova—Paano?)

Comments